Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMI ang bilib kay Solenn Heussaff dahil pagkatapos nitong makapanganak ay hindi ito nahirapang maibalik ang kanyang dating porma.
Karamihan kasi sa mga nanganganak ay nadadagdagan ang timbang at nagiging problema nila ang pagpapapayat.
Ang iba naman ay nalolosyang pero masasabing exception dito ang Filipina-French actress na misis ni Nico Bolzico.
Gayunpaman, tulad ng ibang ina, hindi naman immune si Solenn sa mga hirap na dinadaanan ng pagiging isang ina.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang pang-araw araw na struggles niya sa pag-aaruga sa kanyang anak tulad ng pagpapadede sa kanyang bunso.
Para sa kanya, ang breastfeeding daw ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging isang ilaw ng tahanan..
“Breastfeed. May be one of the hardest parts of motherhood. Some have it easier than others, but it is still a long journey, painful many times and also rewarding. Clogg ducts, breast pain, sleepless nights, endless questions and self doubts are just a fraction of what you will feel. But these moments are everything. The bond is greater than any you will ever encounter. Whether you are breast feeding 1 week or 3 years, these moments are everything,” caption niya sa kanyang IG post.
Marami namang ina ang naka-relate sa kanya.
Pinuri rin siya dahil sa pagiging advocate niya ng breastfeeding na mas nagpapalapit sa mga bata sa kanilang mga ina.
**
Mga bagong sibol tampok sa Rama Hari
SA re-staging ng highly-acclaimed Pinoy rock opera ballet na Rama Hari, tampok ang mga bagong sibol na dancers na sina Crizza Jayne Acosta Urmeneta, Alyanna Dexel Torte, Chris Jay Malipot, Maron Mabana, at Erica Patoc.
Sa kanilang pagsabak sa nasabing ballet, inaasahang makatrabaho nila ang National Artist na si Alice sa pamamagitan ng kanyang Alice Reyes Dance Philippines (ARDP) sa pakikipagtulungan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Professional Artist Support Program (PASP) – Regional Dancers’ Residency Program.
Ang CCP PASP – Regional Dance Training Program (RDTP) ay itinatag na suportahan ang regional dancers at malinang ang kanilang kakayahan sa pagsayaw.
Sina Urmeneta at Torte ay kalahok sa CCP PASP- RDTP samantalang sina Malipot, Mabana, at Patoc ay newly-endorsed scholars.