Advertisers

Advertisers

Bacon haharapin si Pendarvis sa Florida

0 175

Advertisers

WELTERWEIGHT Jameson “bring home the” Bacon ng Cebu city ay muling sasabak sa November 20, sa Manual Artime Community Center Theater sa Miami,Florida,USA.

Bacon, na nagtagumpay sa kanyang debut nakaraang buwan, ay sasagupain ang kalewiting si Cleotis “Mookie” Pendarvis ng Lancaster,California.

Ang 34-anyos veteran Pendarvis ( 21W-6L-2D,9KO) ay nabigo kay Francisco Emmanuel Torres ng Argentina by unanimous decision para sa bakanting World Boxing Association Fedecaribe super welterweight title noong Augost 15,2020 sa Ocean Center sa Dayton Beach,Florida.



Samantala, si Bacon (24W-4L-0D-16 KO) ay nagtagumpay sa kanyang debut sa pamamagitan ng knockout laban kay Gonzalo Carlos Dallera ng Argentina sa 2nd round nakaraang October 17 sa Miami.

Bago lumipad patungong US, ang 30-anyos Bacon ay unang lumaban sa Sydney,Australia laban kay Darragh Foley ng Ireland noong November 16 nakaraang taon.

Pinadapa ni Bacon si Foley sa 1st round pero natalo pa rin by unanimous decision.