Advertisers

Advertisers

Corrupt govt. agencies tatapyasan ng pondo – Rep. Yap

0 239

Advertisers

NANAWAGAN si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap sa bicameral conference committee na tapyasan, o hindi kaya ay tuluyang tanggalan ng budget ang mga corrupt agencies ng gobyerno.
Tiniyak ni Yap na magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang kanyang komite laban sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na silipin ang buong gobyerno dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Yap, isasagawa ang naturang imbestigasyon bago pa man mag-convene ang bicameral conference committee para ayusin ang proposed P4.5-trillion 2021 national budget.
Isa sa mga ahensya ng pamahalaan na tinukoy ni Yap ay ang Bureau of Customs.
Sinabi ng kongresista na bagama’t mayroon namang improvements sa BOC sa ilalim ng liderato ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nakatatanggap pa rin ang kanyang opisina ng mga report hinggil sa korapsyon sa ahensya.
Bukod sa BOC, sisilipin din nila Yap ang Bureau of Internal Revenue at Department of Transportation. (Josephine Patricio)