DOTr Sec. Bautista ay labis na nalulungkot sa insidente ng paglulon ng dolyar ng OTS personnel
Advertisers
“I AM saddened and very disappointed for such embarrassing deeds.”
Ito ang reaksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista matapos malaman ang insidente kaugnay ng security screening officer mula sa Office for Transportation Security (OTS) na lumulon ng dollar bills na umanoy kinuha sa papaalis na pasaherong Chinese.
“She is now being investigated and appropriate sanctions will be meted to her,” saad nito. Ang OTS ay pinamumunuan ni Ma. O Aplasca
Si Bautista ay kasalukuyang nasa ibang bansa para sa isang mahalaga at opisyal na gawain. Nakatakda siyang bumalik sa Maynila sa September 21.
Batay sa imbestigasyon ng mga airport authorities noong September 8, 2023, lumalabas na inilagay ng papaalis na pasaherong Chinese ang kanyang bag sa tray at sumailalim sa final security check area. Dinala naman ng suspect SSO ang tray na naglalaman ng bag sa inspection table at ginawa ang manual search.
“When the SSO finished inspecting, she ‘suspiciously turned away while apparently holding something in her left hand with her fist tightly-closed… she then swiftly placed something on her left torso/waist area and went back to the inspection table,’ ayon sa sinasaad ng incident report.
Pagbalik ng complainant sa screening area nadiskubre niya na nakabukas na ang kanyang wallet at nawawala ang ilang piraso ng Dollar bills kung kaya nagkaoon ng kumprontasyon sa pagitan ng complainant, SSO, SSO supervisor, passenger service agent, isang lalaking miyembro ng Philippine National at isang mula sa Airport Police Department.
Sa isa pang footage, makikita ang isang lalaking x-ray operator na nag-aabot ng bottled water sa suspect SSO na agad na tumalikod pero di alam na nakaharap siya sa camera. Siya ay kitang-kita na nilulon ang tinuping dollar bills, at hindi pipansin ang babaeng pasahero na nagrereklamo.
Nilapitan ng lalaking supervisor ang suspect SSO… “was seemingly communicating with her as the latter was obviously almost choking in her effort to swallow the dollar bills while using her hanky to cover her mouth.”
Base sa resulta ng pagsisiyasat, lumilitaw na ang SSO, supervisor ng SSO at ang x-ray operator ay magkakasabwat.
May anim na buwan na ang nakakaraan, noong February 22, limang kawani ng OTS na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay sinuspinde dahil sa pagkuha ng pera sa transiting Thai tourist na kinilala bilang Kitja Thabthim. Ito ay nag-viral sa social media. Ang halaga ng kinuhang pera ay 40,000 yen.
Makalipas ang ilang araw, panibagong screening officer naman ang naaktuhan sa video na kinukuha ang relo ng pasaherong Chinese sa NAIA.
Inireklamo ng pasaherong si Sun Yuhong na ang kanyang relo ay nawawala matapos na siya ay ma-screened ni Valeriano Ricaplaza Jr., na kinalaunan ay inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group. (JERRY S. TAN)