Advertisers
PAMILYAR na mukha mula sa 2023 FIFA Women’s World Cup ang kakatawan sa Pilipinas sa Hangzhou 2023 Asian Games sa China.
Ang boung roster ay inilantad sa opisyal page ng Philippine Women’s Football Team Martes.
Goaltenders Olivia McDaniel at Kiana Fontanilla ang ilan sa pinili ng Philippine Football Federation (PFF), at reserved goalie Inna Palacious ang kasama sa team.
Defenders Reina Bonta,Jessika Cowart, Sofia Harison, at Hali Long ang miyembro ng Women’s World Cup team ang kasama sa roster. Kabilang si Eva Madarang.
Women’s World Cup midfielders Sara Eggesvik, Anicka Anicka Castañeda, Quinley Quezada, at Jaclyn Sawicki ay isinama rin,pati na rin sina Kaya Hawkinson, Natalia Oca, Isabella Pasion, at Camille Rodriguez.
Star forward Sarina Bolden, ang umiskor ng nag iisang goal para sa Pilipinas sa World Cup, ay bahagi rin ng team, katabi ang World Cup teammates Meryll Serrano, Katrina Guillou, at Chandler McDaniel. Alisha del Ocampo ay kasama nila sa Asiad roster.
Ang Filipinas, ay maglalaro ng kanilang first game sa ilalim ng bagong head coach Mark Torcaso, ay unang makaharap ang HongKong sa Biyernes alas 4 ng hapon.