Advertisers

Advertisers

PINOY GM BANAAG GINAWARAN NG GOLDEN GATE HALL OF HONORS SA USA

0 3

Advertisers

ISANG tanyag na Pilipinong nakabase sa Estados Unidos ang kinilala at ginawaran ng parangal pang- habambuhay sa kaganapang idinaos sa California nitong nakaraang weekend.

Ang living legend na ama ng SIKARAN sa Pilipinas partikular sa lalawigan ng Rizal na si Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag ay buong lugod na tinanggap ang gawad parangal na Golden Gate Hall of Honors Platinum Lifetime Award sa makulay na presentasyong idinaos sa South San Francisco Convention Center nitong Setyembre 16 sa California.

Walang iba kundi ang organisador na sina Hollywood stars GM Rick St.Clair at GM Cindy Rothrock ang presentor ng elegantemg tropeo ni GM Banaag na iginagawad sa mga natatanging personahe na may napakalaking kontribusyon sa mundo sa kanilang sariling pamamaraan at estilo,



“ Ang Golden Gate Hall. of Honors Platinum Lifetime Achievement ( 50 years) award na ito ay buong lugod kong inihahandog sa lahat ng Pilipino sa mundo.Isang natatanging karangalang aking pagyayamanin sa buong buhay ko,” pahayag ni GM Banaag na nagpasalamat sa pagkilala ng kanyang pinagpipitagang alagad ng sining martial na sina St. Clair at Rothrock.

Si GM Banaag na siyang orihinal na SIKARAN martial arts founder sa bansa na nakabase na sa USA ang instrumental sa pagpapalawig ng naturang sports dicipline sa buong mundo na kinilala mismo ng United Nations.

Ang SIKARAN ni GM Banaag ay bahagi na rin ng mga aktibidades sa Hollywood partikular sa mga action films. (Danny Simon)