Advertisers
LUMAHOK pa rin sa ensayo ng Gilas Pilipinas sina Terrence Romeo, Calvin Abueva at Jason Perkins.
Sinabi ni Gilas coach Tim Cone na hanggang wala pang desisyon ang Asian Games organizing committee ay magiging bahagi pa rin ng koponan ang nasabing mga manlalaro.
Nasa Inspire Sports Academy sa Laguna ang ensayo ng Gilas para paghandaan ang pagsabak nila sa Asian Games na gaganapin sa Guangzhou, China.
Dagdag pa ni Cone na kasama rin sa ensayo sina Kevin Alas, Chris Ross, CJ Perez, Arvin Tolentino at Marcio Lassiter sa ensayo na maituturing nilang mga nasa plan B ng Gilas.
Maaring malalaman ngayong araw ang desisyon ng organizing committee kung payagan ang nasabing mga manlalaro na mapabilang sa Gilas.
Magugunitang sina Abueva, at Perkins ay hindi bahagi sa original na 60-player list ng Gilas na isinumite sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee.