Advertisers

Advertisers

MATAAS NA OPISYAL NG DAVAO PRISON AND PENAL FARM, ‘SINIBAK’ NI CATAPANG

0 12

Advertisers

INI-RELIEVE ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang ang isang mataas na opisyal ng Davao Prison and Penal Farm kasunod ang pagtakas at muling pag-aresto sa isang person deprived of liberty o PDL.

Tinanggal ni Catapang sa puwesto bilang Acting si C/Supt. Rufino A. Martin, MBS, CMS para sa kanyang ‘belated report’ ukol sa pagtakas ng PDL na si Jundee Caño, 38, mula sa minimum security compound noong Setyembre 13 na natanggap ng kanyang tanggapan noong September 19 ( Martes ) lamang bandang ala-1 ng hapon.

Si Caño ay muling naaresto noong Setyembre 17 ngunit ang ulat ay ipinasa lamang sa BuCor main office noong Martes.



Batay sa kanyang inisyal na ulat kay Catapang, sinabi ni Martin na muling naaresto si Caño sa isang hot pursuit sa tulong ng mga miyembro ng Damulog Municipal Police Station.

Hihintayin ng BuCor ang pinal na ulat sa insidente.

Sinabi ni Catapang na dapat iulat kaagad sa punong tanggapan ang hindi inaasahang pangyayaring tulad nito at hindi nila kukunsintihin ang anumang pagkaantala o pagpigil ng napakahalagang impormasyon.

“Kung may mga hindi kanais-nais na insidente sa iba’t ibang mga kolonya, hindi ko nais na ako ang huling makakaalam, kaya ito ay magsisilbing babala sa lahat ng mga opisyal ng BuCor,” ani Catapang. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">