Advertisers

Advertisers

JOHN AMORES, PASOK SA PBA-NORTHPORT

0 8

Advertisers

PATOK pa rin ang packaging ng controversial at dating starpayer ng JOSE RIZAL UNIVERSITY(JRU) na si JOHN ANTHONY WALKER AMORES o simpleng JOHN AMORES na tumingkad sa pagtawag sa pangalan nito nang hugutin ni NORTHPORT Headcoach PIDO JARENCIO sa kadaraos na Annual Draft ng top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) na matindi ang hiyawan ng audience,

Saludo kami sa pamunuan ng PBA spearheaded by Commissioner WILLIE MARCIAL sa masusing pagrebisa at pag-analisa ng naging kaso ni AMORES, na nasuspinde sa NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION (NCAA) dahil sa pagkakasangkot sa pisikalan sa laro versus ST. BENILDE players. Ang pagbibigay ng second chance sa isang mahusay at malakas ang potensyal na player ay pagtingin na rin sa lagay ng nagkakamaling players at pagkonsidera na “Everybody deserves a second chance”. Nobody is perfect at handa naman si AMORES na magbago at sumunod sa kung ano ang nararapat para sa kanyang caging career.

Pasok sa NORTHPORT si AMORES sa 5th round bilang 5th pick. Ano ang lessons na nakuha niya sa kinasangkutang kontrobersiya? “ ITO NA PO YUNG PINAKA-LAST CHANCE KO’ ang pahayag ni AMORES sa panayam ng SportsNews5. Number one pong nakatulong sa akin yung pag-take ko ng Sports/Physical Psychology and Anger Management (sa tulong ng JRU led by Sports Chair PAUL SUPAN). Hindi na pwedeng mangyari ulit sa akin yun lalo na sa PBA kung na-pick man ako,’ Lagi niyang ikinukondisyon ngayon ang sarili na di na mangyari ang ganung insidente. “Iniiwas ko na po ang sarili ko sa mga ganun.”



One thing is sure, aariba na naman ang bashers ni AMORES sa social media na mostly ay nagsasabi o nangangantiyaw na ‘MAGBOKSING KA NA LANG!’ o ‘SANA MAG-MMA KA NA LANG!” “ HINDI na po mawawala sa tao yan na ibabash nila ako. Kung ano man ang sabihin nila, ako naman, kung ano lang ang alam kong makakatulong sa sarili ko, dun ako nagpopokus. Kung anuman ang sabihin nila, wala na akong magagawa, pero ako, masaya po ako sa ginagawa ko, kaya, sana maging masaya rin sila sa ginagawa nila.”

Alam na ba niyang magkontrol ng init ng ulo sa laro? “Dumarating din yung umiinit ang ulo ko, pero alam ko na kung ano yung limit”. So there, good luck! Well, sa totoo lang, sa naging viral na controversy ni AMORES, for sure, mas sisigla ang audience ng PBA/NORTHPORT pag nasa hardcourt na siya, mas masaya ang crowd.

Sa November 3, 2023 gaganapin ang Commissioner’s Cup PBA season 48 Opening at asahan po ang bonggang pagbubukas na tatampukan ng naggagandahang muses ng bawat koponan. Na-postpone mula October 15 to November 5 ang opening to give way to ASIAN GAMES.

Abangan po natin ang PBA Season 48 opening mga Kaisport!

SEPTEMBER CHEERS
MANY HAPPY RETURNS of the DAY to MAYOR BENJAMIN S. ABALOS of MAndaluyong City LGU, (September 11). Salute and warm wishes po, more birthdays to come and God bless you with the best blessings for your great accomplisments making you the ‘FATHER OF MODERN MANDALUYONG’. HAPPY BIRTHDAY to BRUCE LEE STRONG of Olongapo/Mandaluyong City and his mom LUCY ‘LUZ’ STRONG of Olongapo City, to Mam AURORA A. FRANCO of Pasig and to PRINCESS EURHIE P. EVANGELISTA of Cabanatuan City. HAPPY READING!