Advertisers
Dahil sa kabiguan na makadalo sa tatlong beses na pagdinig sa Barangay ng isang Pari, na nag-ampon sa isang batang babae.
Kinilala ang Parish Priest na si alyas Father Boyet na siya rin Ingat Yaman ng San Martin de Pores (Bethlehem).
At ang naghain ng reklamo na si alyas Hilda, 57 anyos biyuda at isang vendor, ina ng dalagita residente ng Sitio Pamusuan, Brgy San Mateo, Norzagaray, Bulacan.
Sa ulat, matapos mag-isyu ng certificate to file action, nagsampa ng kaukulang reklamo ang mga magulang ng 14-anyos na dalagita, laban sa pari na umano’y lumabag sa article 270 na kidnapping and failure to return minor under RPC.
Base sa record, taong 2009 pa na turn over o dalhin sa bahay ampunan sa Orphanage sa Brgy. Bungga Menor si alyas Niña.
Ayon kay Womens and Children Protection Center P/Cpl Ivy Lorraine San Pedro ganap na 5:00 ng umaga nang matanggap nila ang report, at 3:30 ng Setyembre 18 2023 ng magsampa ng kaso si alyas Hilda laban sa pari. (Thony D. Arcenal)