Advertisers

Advertisers

Jervy delos Reyes, thankful sa nakuhang break sa Balangiga 1901

0 469

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG Bidaman finalist na si Jervy delos Reyes ay sasabak sa una niyang pelikula via the movie Balangiga 1901 ng JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna.

Ang Battle of Balangiga ay isang historic event at itinuturing na one of the bloodiest encounters noong panahon ng Philippine-American war na naganap noong 1899-1902.



Ipinahayag ng guwapitong newbie actor na sobra ang kanyang kagalakan at na-overwhelm siya sa ganda ng role na ibinigay sa kanya rito.

Masayang pahayag ni Jervy, “Sobrang natuwa po ako, hindi ako makapaniwala, eh. Kasi sobrang laking movie nito, tapos historical pa siya. Kumbaga, para sa mga Pinoy talaga ito.

“Tapos parang na-overwhelm ako kasi unang-una, first movie ko po ito, tapos ganito agad yung naibigay sa aking role. Siyempre ang expected ko po, yung role lang na kumbaga parang ordinaryo lang. Tapos ngayon po nabigyan pa ako ng markado talaga.”

Nabanggit din niya ang role sa pelikulang ito.

Saad ni Jervy, “Ako po rito si Pedro Abite, isang Tinyente del Barrio. Tapos, ako po yung isa sa namuno ng isang kompanya, kumbaga isa po ako sa magiging lider ng mga sundalo po na lalaban sa mga Amerikano.”



Ang 21 years old na si Jervy ay isa sa finalists ng Bidaman ng It’s Showtime. Siya ay isa sa talents ng Mannix Carancho Artist and Talent Management kasama sina Miko Gallardo, John Padilla, Johannes Rissler, Daniel Delgado, Rhed Bustamante, Melissa Mendez, at Phiona Raymundo.

Kinuha rin siya ng President at CEO ng Prestige International na si Mannix Carancho at Marketing Director nitong si Amanda Salas bilang endorser ng kanilang produkto.

Mula nang naging bahagi ng Bidaman, ano na ang kanyang mga naging project?

Aniya, “Nang napasali ako sa Bidaman, nagkaroon ako ng project sa Showtime, siyempre po. More on guesting sa mga piyesta, sa mga TV plus, tapos ay nakasali ako sa music video ni Mam Juris, ako po yung lead doon. Tapos eto na po, yung sunod, yung movie na Balangiga 1901.”

Ang pelikulang Balangiga 1901 ay pamamahalaan ni Direk Danny Marquez at tatampukan nina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Mark Neumann, Franco Miguel, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Jao Mapa, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Chuckie Dreyfuss, Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Rob Sy, Nicole Dulalia, at iba pa.