Advertisers

Advertisers

Barangay sa Paco sa Manila isasailalim sa ‘total lockdown’

0 276

Advertisers

NAG-IIKOT na ang mga tauhan ng Manila Police District sa isang barangay sa Maynila na nakatakdang isailalim sa ‘total lockdown’ dahil sa mataas na kaso ng coronavirus disease.
Magsisimula ang lockdown ngayong Sabado hanggang Linggo (Agosto 1-2).
Simula 7:30 gabi ng Huwebes, nagsagawa na ng foot patrol ang mga operatiba ng MPD kasama si Barangay 815 Chairman Ronaldo Navarro.
Pinayuhan ng barangay ang mga apektadong mga empleyado na makipag-ugnayan sa kanila para sa certification para makapasok parin sa kanilang mga trabaho.
Habang ang frontliners at medical health workers na residente ng barabgay ay sila lamang ang maaring maglabas-pasok sa barangay.
Ayon sa pamunuan ng barangay, magsasagawa sila ng contact tracing sa lugar para malaman ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19. (Jocelyn Domenden)