Advertisers

Advertisers

Maine nasurpresa sa donor ng mata ni AJ

0 243

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SOBRANG nasorpresa si Maine Mendoza nang malamang ang isa sa pitong kalahok sa “Bawal Judgmental”segment ng Eat Bulaga ay donor pala ng cornea ng pumanaw na actor na si AJ Perez.

Tungkol sa choices na naging organ recipient ang pinahulaan sa “Bawal Judgmental” sa celebrity contestant na si Tim Yap.



Kabilang sa mga naimbitahan ng nasabing noontime variety show si John Daniel delos Santos, ang 17-year-old resident ng Balic-Balic, Quezon City.

Natigagal si Maine nang marinig nito ang pangalan ni AJ nang matanong kung kilala ni Daniel ang nagkaloob ng cornea niya kaya nakakakita siya sa kasalukuyan.

Ibinahagi naman ni Daniel na nagkaroon ng problema sa kanyang mata noong kapapanganak pa lamang niya.

“Nung one and a half months old daw po ako nung baby, nagkasugat po ako sa mata, ‘tapos hindi po alam kung ano yung cause po nun.

“Siguro daw po alikabok daw po ‘tapos nakusot ko, or baka daw po nakalmot ko ng kuko ko,” salaysay niya.



Sumailalim si Daniel sa operasyon noong walong taong gulang siya.

“Eight years old po ako noong inoperahan. Bale, yung sa cornea po, nagkaroon ng puti sa gitna po kaya po napakasobrang labo po.

“Aninag lang po yung nakikita ko, isang mata lang po yung gumagana sa akin kaya po nahihirapan po ako.

“Kapag nagbabasa po, sumasakit yung ulo.”

Inoperahan sa mata si Daniel sa araw ng libing kay AJ noong April 26, 2011 sa Manila Memorial Park, Parañaque City.

Binawian ng buhay si AJ sa edad na 18 noong April 17, 2011 dahil sa vehicular accident na nangyari sa Moncada, Tarlac.

Nagpasya ang kanyang mga magulang na sina Gerry at Marivic Perez na ibigay sa EyeBank Foundation of the Philippines ang mga cornea niya para pakinabangan ito ng mga nangangailangan.

Si Daniel, na 8 years old noon, at ang then 28-year old na si Lawrence Villanueva ang mapapalad na tumanggap sa mga cornea ni AJ.

Labis naman ang pasasalamat ni  Daniel sa mga magulang ni AJ sa kanilang kagandahang-loob para muli siyang makakita.