Advertisers
KARAGDAGAN pang 1,761 bagong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Oktubre 29.
Mayroon naman 740 na gumaling at 33 ang karagdagang namatay dahil sa sakit.
Sa case bulletin na inilabas ng DOH, ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa ay umabot na sa 39,940 o katumbas ng 10.6%, na mga aktibong kaso habang 87.5% o 329,848 ang mga recoveries at 1.90% o 7,147 naman ang namatay.
Mula sa 1,761 na bagong kaso, nangyari ang 1,622 mula October 16 hanggang October 29.
Nangunguna ang NCR na may 431, Region 4A na may 322 at region 3 na may 155 bagong mga kasong naitala.
Ang 33 deaths naman ay naitala ang 26 ngayong October, tig-3 noong September, August at 1 noong July.
Mula pa rin sa NCR ang may pinakamaraming naitalang deaths na umabot sa 12, Region 11 (8), Region 4A (3) at tig 2 sa Region 10, Region3, CAR habang nakapagtala naman ng tig 1 death sa Region 1, 6,12 art BARMM.
Sa 24,652 bilang ng nagpa-test, nasa 1,613 naman ang nagpositibo sa Covid-19. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)