Advertisers

Advertisers

‘NBA nalugi ng $8.3-B

0 191

Advertisers

UMABOT sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.
Sa naturang halaga kabilang sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa mga laro.
Gayundin nasa $400 million ang nawala sa mga sponsorships at merchandise.
Lumutang din ang malaking pagkalugi ng NBA na umaabot sa $200 million nang i-ban ng China ang panonood ng laro sa kanilang mga telebisyon matapos na suportahan ng dating general manager ng Houston Rocket na si Daryl Morey ang Hong Kong freedom.
Samantala sa katatapos lamang na NBA bubble sa Orlando, Florida, sinasabing kahit papaano raw ay medyo nakabawi ang liga nang kumita na umaabot sa $1.5 billion sa revenue.
Kung hindi aniya natuloy ang NBA bubble ito rin ang dagdag na matinding kalugian na malaki ang epekto sa operasyon ng mga teams at sweldo ng mga players.