Advertisers

Advertisers

NBA: Stephen Silas bagong head coach ng Rockets

0 189

Advertisers

TINAPIK ng Houston Rockets si Stephen Silas na kanilang maging bagong head coach, ayon sa ulat nitong Miyerkules.
Si Silas ay dalawang season naging assistant coach ng Dallas Mavericks, pinalitan nya si Mike D’Antoni, na umalis sa franchise matapos ang apat na season.
Ang 47-anyos Silas, ay anak ng dating NBA player at coach Paul Silas, na nakapagtala ng 387-488 record sa 12 season sa apat na prangkisa.
Stephen Silas ay naging staff ng kanyang Tatay sa tatlong magkaibang prangkisa ay nagsasagawa ng scouting work. Sumanib siya sa Charlotte Bobcats noong 2010, habang ang kanyang ama ang coach sa dalawang seasons at tumagal ng walong seasons sa prangkisa, sa huli ay binago ang pangalan at naging Hornets bago lumipat sa Dallas.
Ang kanyang karanasan sa trabaho sa ilalim ng longtime Mavericks coach Rick Carlisle ang naging pinakamalaks na dahilan kaya siya pinili ng Rockets top brass.
Ang Rockets ay may rekord na 44-28 sa nakaraang series bago natalo sa Los Angeles Lakers sa Western Conference semifinals, nakapasok ang Houston sa playoffs sa walong sunod-sunod na season pero hindi nagawang makapasok sa NBA Finals.