Advertisers

Advertisers

Andrea na-bash nang magpapiktyur sa FIBA players; Vice Ganda tikom pa sa pagsawsaw ng matatandang pulitiko sa isyung suspensyon

0 130

Advertisers

Ni JOVI LLOZA
INULAN ng samu’t saring batikos si Andrea Brillantes nang magpa- picture sa mga basketball player ng FIBA Basketball World Cup.
Sa pagpo-post ni Andrea ng kanyang larawan kasama ang mga cager ay inulan ito ng pamba-bash.
Super happy ito  sa panonood ng nasabing laro ng FIBA na ginanap sa MOA Arena.
Biglang umukilkil sa usapan ng mga bashers ang ex ni Andrea na si Ricci Rivero na isa ring basketball player.
Ilan sa mga bash kay Andrea na ani pa ng netizen na akala nila ay ayaw na nito sa bola.
Nadala na nga raw si Andrea sa kanyang nakaraan na relasyon na isang baskebolista.
Tigilan na nga raw ni Andrea ang ma- inlove sa mga manlalaro  na kaya na naman itong paikut-ikutin.
Matuto na nga raw ito sa failure ng previous relationship nito sa isa ring basketball player.
***
BULUNG-bulungan sa apat na sulok ng showbizworld ang sitsit na pinagso-sorry or public apology pala si Vice Ganda para bumaba or umikli ang sentensya ng Its Showtime sa 12 days.
Yan ay kung kanyang magagawa sey ng netize. Pinatawan na nga ito ng 2 weeks na di mapapanood ng madlang pipol.
Marami na nga rin kasi na nakisawsaw at pati mga pulitiko ay nakisali na rin sa isyu ni Vice.
Ano naman kaya ang mangyayari sa pagsawsaw ng mga lolo na sina JPE at Sal Panelo na tinawag na bastos at abusado si Vice.
Tahimik pa rin ang kampo ni Vice regarding sa pinapag-sorry ito sa madlang pipol.
Well, well, well… ‘Yun na!