Advertisers

Advertisers

7 ektaryang lupa sa New Manila Quezon City, pinababakante na ng court of appeals

0 89

Advertisers

PINABABAKANTE na ng Court of appeals ang 7 ektaryang lupain ng biyenan ni Atty. Levito Baligod sa New Manila Quezon City.

Ito ay matapos na Ibasura ng korte ang petition for certiorari na isinampa ng pamilya ni Marlina Veloso-Galengzoga na humihiling na ipawalang bisa ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na nagkakansela sa titulo ng 7 ektarya na lupa nito sa 14 st. New manila.



Nauna nang pinaburan ni Quezon City  Regional Trial Court  Branch 92 Judge Ralph Lee ang petition ng Titan Dragon Properties corporation na ipakansela ang mga titulong hawak ni Galengzoga.

Nabatid sa 22 pahinang desisyon ng 15th division ng Court of Appeals, iginiit nila na walang naipakitang sapat na ebidensya ang pamilya ni Baligod para baligtarin ang naging desisyon ng lower court.

Sa rekord ng korte, ibinenta ng Titan Dragon Properties corporation ang nasabing lupa kay Galenzoga noong 1997 ngunit nabigo umano ang seller na bayaran ang capital gains tax hanggang sa mauwi ang usapin sa pagsasampa ng kaso sa korte

Una nang sinabi ni Atty. Antonio Nachura Jr ang lead counsel ng Titan Dragons, na noon pang September 1 ay dapat naipatupad na ang break open order na utos ng korte pero pinigilan ito ng kampo ni atty Baligod.

Iginiit ng Titan dragon na wala nang basehan si Galenzoga para sa ownership ng nabanggit na property alinsunod na rin sa desisyong inilabas ng Supreme Court na nagpapawalang bisa sa inilabas noon na 2016 RTC decision at 2017 writ of execution na pumapabor sa kampo ni galenzoga.



Samantala, nakahanda naman ang NCRPO na muling magpadala ng pwersa oras na humiling ng police assistance ang sherrif para sa masiguro na magiging mapayapa ang implementasyon ng panibagong kautusan ng korte.  (boy Celario)