Advertisers
INILABAS ng RP-Mission and Development Foundation Inc. sa kanilang “Boses ng Bayan” nationwide survey ang “Top Performing City Mayors and District Representatives”. Sa pahayag ni Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, ang survey paramaters upang masuri ang kahusayan ng mga City Mayors ay ang mga sumusunod: service delivery, financial acumen, economic progress, leadership governance, environmental conservation, social initiatives, and community engagement habang para sa mga District Representatives: district representation, legislative performance, and constituent service.
Lumitaw sa independent and non-commissioned survey na sina Joy Belmonte (95.73%) ng Quezon City at Eric Singson (94.86%) ng Candon City ang nanguna sa listahan ng “Top Performing City Mayors” sa buong bansa. Sumunod sina Art Robes (91.67%) ng San Jose del Monte, Benjamin Magalong (90.91%) ng Baguio at Nikko Mercado (90.88%) ng Maasin.
Nasungkit naman ang second place nina City Mayors Eric Africa ng Lipa (89.72%), Jonas Cortes ng Mandaue (89.71%), Indy Oaminal ng Ozamis (89.32%), Ipe Remollo ng Dumaguete (88.94%), Samsam Gullas ng Talisay (88.93%), Bambol Tolentino (88.85%) ng Tagaytay, at Ahong Chan ng Lapu-Lapu (88.78%). Samantala, ang pang-apat na puwesto ay hawak nina Jerry Treñas ng Iloilo (86.79%), Ma. Ester Hamor ng Sorsogon (86.63%), Vilma Caluag ng San Fernando (86.55%), at Baste Duterte ng Davao (86.51%).
Kinilala rin ng survey ang iba pang mahusay na mga City Mayors sina Krisel Lagman-Luistro ng Tabaco (85.78%), Pao Evangelista ng Kidapawan (85.75%), Rey Uy ng Tagum (85.64%), Bruce Matabalao ng Cotabato (85.37%), John Dalipe ng Zamboanga (84.27%), Caesar Dy Jr ng Cauayan (84.26%), Maila Ting ng Tuguegarao (84.11%), at Roxanne Pimentel ng Tandag (83.91%).
Sa House of Representatives, pinuri si House Speaker Martin Romualdez sa kahanga-hangang 95.32% performance score mula sa mga residente ng kanyang nasasakupan sa Leyte. Sina Sandro Marcos ng Ilocos Norte (94.81%), Kristine Singson ng Ilocos Sur (94.57%), at Duke Frasco ng Cebu (94.55%) ay istatistikal na nagtabla para sa pinakamataas na ranggo kasama si Speaker Romualdez.
Pumangalawa sa posisyon sina Toby Tiangco ng Navotas (93.83%), PJ Garcia ng Cebu (93.75%), Camille Villar ng Las Pinas (93.64%), Chiquiting Sagarbarria ng Negros Oriental (93.59%), Stella Quimbo ng Marikina (93.56%), Marivic Co-Pilar ng Quezon City (93.22%), Oca Malapitan ng Caloocan (93.14%), at Jolo Revilla ng Cavite, na nakakuha ng rating na 92.75%. Nasa ikatlong rank sina Jay-jay Suarez ng Quezon (92.16%), Ralph Recto ng Batangas (91.83%), Joey Salceda ng Albay (91.69%), Mannix Dalipe ng Zamboanga City (91.34%), at Gloria Arroyo ng Pampanga na may markang 91.32%.
Nasa 4th-5th rank sina Hori Horibata ng Camarines Sur (90.93%), Rida Robes ng San Jose del Monte (90.78%), Wowo Fortes ng Sorsogon (90.72%), Adrian Amatong ng Zamboanga del Norte (90.57%), Jay Khonghun ng Zambales (90.52%), Divina Yu ng Zamboanga del Sur (90.46%), at Jam Baronda ng Iloilo (90.35%). Ando Oaminal ng Misamis Occidental (89.88%), Lordan Suan ng Cagayan de Oro (89.83%), Lorenz Defensor ng Iloilo (89.79%), Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro (89.52%), at Kiko Benitez ng Negros Occidental, na umiskor ng 89.46%.
Pasok din sina Midy Cua (88.36%), Arnan Panaligan (86.38%), Jose Alvarez (85.62%), Eddiebong Plaza (85.39%), Maricar Zamora (85.28%), Pulong Duterte (84.77%), Alfel Bascug (84.75%), Loreto Acharon (84.52%), Samantha Santos (83.91 %), Mark Go (82.11%), Eric Yap (81.37%), at Bai Dimple Mastura (76.85%). Ang “Top City Mayors and District Representatives” performance survey ay bahagi ng “Boses ng Bayan” ng RPMD na isinagawa noong Hunyo 25- Hulyo 5, 2023, na gumagamit ng 10,000 respondents na may ±1% margin ng error at 95% confidence level.