Advertisers

Advertisers

ONLINE SCAM NO. 1 CYBERCRIMES SA BANSA

0 156

Advertisers

INIULAT ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na nangunguna ang online scams sa top 10 cybercrimes na kanilang naitala mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon.

Ayon kay PNP-ACG Director PBGen. Sydney Sultan Hernia, patuloy ang pagtaas ng kaso na kanilang naitatala ukol sa iba’t ibang uri ng cybercrime sa bansa.

Maliban sa online scam, mataas din aniya ang bilang ng iba pang cybercrimes, katulad ng Illegal Access, Computer Related Identity Theft, ATM/Credit Card Fraud, Threats, Data Interference, Anti-photo and Video Voyeurism, Computer Related Fraud, at Unjust Vexation.



Nakapagsilbi aniya ang PNP-ACG ng 19 na warrant to search, seize, at examine computer data at 214 arrest warrants; 140 entrapment operations at nakapagbigay ng teknikal na tulong sa 24 na imbestigasyon ng ibang unit at ahensya.

Sinabi ni Hernia, nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 397 na indibidwal at pagkakaligtas ng 4,092 biktima na karamihan ay sa mga operasyon laban sa human trafficking.

Samantala, iniulat naman ng naturang police unit na nagawa na nilang maim-bestigahan ang hanggang 16,297 kaso ng cybercrime sa buong bansa.

Sa kasaysayan ng Anti-Cybercrime unit, ito na ang itinuturing na record-breaking o pinakamarami.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">