Advertisers

Advertisers

Oplan Bura Tatak, inilunsad ng BuCor

0 245

Advertisers

INILUNSAD ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ‘Oplan Bura Tatak’ sa mga presong may tattoo sa katawan.
Pinangunahan ni BuCor chief Gerald Bantag ang paglulunsad ng ‘Oplan Bura Tatak’ sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, Miyerkules ng umaga (October 28).
Layon nitong paigtingin ang kampanya ng peace and order para sa mga bilanggo.
Tatanggalin ang mga tattoo ng mga gang sa katawan ng preso upang maiwasan na ang away sa pagitan ng mga miyembro ng iba’t ibang grupo sa Bilibid.
Ito aniya ang nagiging mitsa ng gantihan ng magkakalaban na pangkat kungsaan ginagamit ang mga tattoo para malaman kung saang grupo kabilang ang isang bilanggo.
Umabot na sa 12 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang lumahok sa Oplan Bura Tatak kabilang ang mga presidente, lider o ang tinatawag na kumander ng iba’t ibang grupo. (Gaynor Bonilla)