Advertisers

Advertisers

P88m shabu sa tea bag wrapper nasabat sa Cavite

Bumabaha parin ang shabu...

0 218

Advertisers

NASABAT ang mahigit P88 milyong halaga ng shabu sa magkasunod na buy-bust operations sa Bacoor City, Cavite noong Linggo.
Nakalagay ang nasamsam na 13 kilong shabu sa mga tea bag wrapper na itinuturing na karaniwang lalagyan ng mga itinutulak na droga ng sindikatong Golden Triangle.
Arestado rito ang 3 target sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Bacoor City Police.
Sa ulat, unang nadakip sa harap ng isang fast food outlet sa Barangay Molino 2 ang 2 target na sina Bino Sampaco at Javier Mala. Limang kilo ng shabu ang nakuha sa kanila. Nagkakahalaga ito ng P34 million.
Pagkaraan ng 30 minuto, nadakip naman sa subdivision na tinitirhan nina Sampaco at Mala sa Bgy. Mambog 2 ang isa pang target na si Mira-Ato Macarampat.
Nasamsam kay Macarampat ang 8 kilo ng shabu na nasa P54.4 milyon ang halaga. Nakasilid ito sa mga tea bag wrapper.
Nabatid na magkakasabwat ang 3 nadakip sa pagtutulak. Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.(Irine Gascon)