Advertisers
HUBO ang pang ibabang saplot at tadtad ng saksak sa leeg ang bangkay ng isang babaeng natagpuan sa likod ng palengke sa Cavite City nitong Martes.
Kinilala ang kaawa-awang biktima na si Argielyn Sanchez, nasa hustong edad. Naaresto naman ang salarin na isang pedicab driver na si Bernard Suazo, habang kusang sumuko ang isa pang salarin na barker na si Loreto Quillo.
Nabatid na huling nakita ang biktima kasama ang mga salarin na tila nagtatalo dahil pinagbintangan ang biktima na siyang kumuha ng nawawalang P250 ng isa sa mga salarin.
Inamin ni Suazo na ginahasa niya ang biktima, pero si Quillo ang pumatay dito na inamin din ng huli.
Napag-alaman na dati nang nakulong ang dalawa sa kasong ‘alarm and scandal’ at pagnanakaw. (Irine Gascon)