Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis nang-rape ng dalagang nahuli sa curfew, kulong sa kanyang istasyon

0 349

Advertisers

ARESTADO ang opisyal ng pulisya nang ireklamo ng panghahalay ng isang dalaga na dinakip sa paglabag sa curfew sa San Miguel, Bulacan nitong Miyerkules.
Kinilala ang opisyal na si Lt. Jimmy Fegcan, 41, residente ng Barangay Batia, Bocaue.
Itinago naman sa pangalang “Lyka” ang 24-anyos na biktimang residente ng Brgy. Sibul, San Miguel.
Sa report ng hepe ng San Miguel PNP na si Lt. Col. Voltaire Rivera, naganap ang panggagahasa 3:00 ng madaling araw sa istasyon ng pulisya.
Ayon kay PSSg Cecilia Pilapil, kabilang si Lyka sa mga naaresto dahil sa paglabag curfew sa ilalim ng Provincial Ordinance 87-2020 at dinala sa holding area ng istasyon.
Ayon sa report, tinawag mula sa holding area at pinapunta ni Lt. Fegcan ang dalaga sa kanyang barracks para doon na umano makapagpahinga.
Habang natutulog ang dalaga, naramdaman niyang may humihimas sa kanyang maselang parte ng dibdib kaya nagising ito. Nakita niya si Lt. Fegcan na nakahubad at pinuwersa siyang hubaran, pinatungan at pilit itinutok ang ari nito sa kanyang pagkababae.
Matapos ang panggagahasa, pinagsaplot ng opisyal ang dalaga at pinauwi sa kanilang bahay.
Agad naman nagsumbong ang dalaga at kaanak sa pulisya kaya agad naaresto ang opisyal.
Ayon kay Rivera, itinanggi ni Lt. Fegcan ang paratang sa kanya ng biktima.
Si Lt. Fegcan ay deputy chief of police for operation ng naturang istasyon. Himas-rehas siya ngayon sa istasyon habang inihahanda ang kasong ‘rape’ laban sa “manyakis” na opisyal.