Advertisers
PROTEKTADO na sa lungsod ng Maynila ang mga miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender at queer o questioning) sa lungsod nang lagdaan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang ordinansa na nagbabawal ng diskriminasyon sa LGBTQ community.
Ayon sa alkalde, magiging bahagi na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang LGBTQ at sa mga programa na popondohan ng lungsod.
Sinabi ni Domagoso na ang ordinansa kaugnay sa LGBTQ ay upang iparamdam sa kanila ang pagkilala at paggalang at pang-unawa sa kanila ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Paliwanag ni Domagoso, sa Maynila ay pantay-pantay, walang mahirap, walang middle class, walang mayaman, walang bakla, walang tomboy, walang lalaki, walang babae at lahat mamamayan ng lungsod.
Gayunman, ang sinumang LGBTQ na aabuso naman sa nasabing ordinansa, makukulong bukod pa sa kakaharapin penalty.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)