Advertisers
NAKAMIT ni Dennis Schroder ang Most Valuable Player honors sa FIBA basketball World sa Mall of Asia Arena Linggo.
Ginabayan ni Schroder ang Germany sa kanilang kauna-unahang world championship sa harap ng mahigit 12,000 fans, ng husgahan ang Serbia para makuha ang 83-77 tagumpay sa gold medal game.
Ang guard, na maglalaro para sa Toronto Raptors sa parating na NBA Season, nagtapos ng 28 points on 9-of-17 shooting, tampok ang 2 assists,2 rebounds at steal sa 34 minutong aksyon.
Sa tournament, Schroder ay nag average ng 19.1 points,6.1 assists,2-0 rebounds at 1.4 steals per game.
Kasama ni Schroder sa FIBA World Cup All-Star Five sina;Bogdan Bogdanovic ng Serbia, Shai Gilgeous-Alexander ng Canada, Anthony Edwards ng United States, at Luka Doncic ng Slovenia.
Bogdanovic may average na 19.1 points,4.6 rebounds,3.3 assists, at 2.1 steals per game kabilang ang picking up 17 points at 5 assists sa gold medal game.
Gilgeous-Alexander nagtala ng 24.5 points, 6.4 rebounds,6.4 assists, at 1.6 steals per game sa paligsahan. Umiskor rin siya ng 31 points,12 assists, at six rebounds sa bronze medal game — 127-118 overtime win kontra USA.
Samantala, Edwards nag average ng 18.9 points at 4.6 rebounds per contest.Doncic ay outstanding sa boung tournament, nag average ng 27.0 points tampok ang 7.1 rebounds at 6.1 assists per game.
Dinaig ng Oklahoma City Thunder guard sa award sina Nikola Jovic, Paolo Banchero, Usman Garuba, Juan Nunez at Jean Montero.