Advertisers

Advertisers

Patuloy na pambu-bully ng Tsina, binatikos ni Bong Go

0 141

Advertisers

BINATIKOS ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga ulat na patuloy na panggigipit ng China na lalong nagpapatindi ng tensyon pinagtatalunang karagatan ng Ayungin Shoal.

Dahil dito, idiniin ni Go sa isang panayam matapos personal na mamahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Quezon City, na kinakailangang protektahan ang mga karapatan ng bansa.

“Gaya ng parati kong sinasabi, dapat nating protektahan ang ating mga karapatan sa soberanya. Karapatan nating magkaroon ng resupply mission sa ating BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal,” ayon kay Go.



“Tuwing mayroon tayong nababalitaan na hinaharas sila ay dapat po ipaglaban natin ito. (Our officials must) call the attention of their counterparts sa bansang China at ipaglaban po natin kung ano po ang atin,” anang senador.

Noong Setyembre 8, hinarap ng Philippine Coast Guard ang China Coast Guard habang patungo sa Ayungin Shoal. Ang pinakahuling insidenteng ito ay nagdagdag sa tumitinding tensyon sa pinag-aagawang maritime area.

Sa kabila ng panggigipit ng mga barko ng Tsina, matagumpay na natapos ng Philippine Coast Guard ang resupply operation.

Tinuligsa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pag-uugali ng China na binansagang “misplaced bully”.

Samantala, nagpahayag ng suporta si Go kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang panawagan kamakailan sa ASEAN Summit sa Indonesia na tutulan ang mga mapanganib na maniobra ng China sa lugar, tulad ng pagharang sa mga resupply mission.



Sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia, mariing pinuna ni Marcos ang paggamit ng coast guard at militia ships sa South China Sea habang pinagtitibay ang karapatan ng Pilipinas sa maritime.

Sinabi naman ni Go na dapat magkaroon ng iisang paninindigan upang protektahan ang mga karapatan sa soberanya ng bansa at mga nararapat na pag-angkin sa mga teritoryo nito.

“Dapat po ay respetuhin ang ating karapatan. Kung ano ang karapatan natin na mag-resupply tayo, atin po ‘yon, karapatan po natin ‘yun. Ipaglaban po natin ang ating karapatan,” pagtatapos ni Go.

Nauna nang kinondena ni Go ang kahalintulad na panggigipit ng mga Chinese sa lugar nang gamitan ng water cannon ang isang Philippine navy vessel na nagtangkang magdala ng supply sa grounded BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.