Advertisers

Advertisers

BIGAS PA RIN ANG ISYU… ANAK NG KABAYO TALAGA!

0 219

Advertisers

Mukhang may nilulutong kakaiba ang mga nasa poder.

Masyadong ina- amplify ang isyu tungkol sa bigas.

Nakakapagduda talaga.



Unang aksyon ng mismong Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay lagyan ng price ceiling ang presyo nito.

Ngayon naman pansamantalang pagtanggal sa import tariff nito.

Kung titingnang maigi,gustong palabasin ng gobyerno na talagang mga krisis sa supply ng bigas ang bansa na hindi naman talaga totoo.

Bakit kaya ganitong senaryo ang nais palabasin?

Lubhang nakakapagduda!



Bakit kailangang magsinungaling ng mga taong- gobyerno?

Samantala,sang-ayon umano ang Department of Finance sa planong pansamantalang pagbawas ng import tariff ng mga bigas para bumaba ang presyo nito.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na mahalaga na gumawa ng paraan ang gobyerno para matiyak na may sapat na suplay ng bigas sa mababang presyo.

Naniniwala ito kaya ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang price ceiling ng mga bigas ay dahil sa maraming mga rice suppliers ang umaabuso na.

Pabor ito sa mungkahi ng Foundation for Economic Freedom (FEF) sa temporaryong pagtanggal o pagbawas ng taripa ng mga bigas para mapababa ang presyo nito.

Ibig bang sabihin,inutil ang administrasyong Marcos Jr.laban sa mga pasaway at ganid na rice traders?

May mas malalim pa tayong problemang nakikita sa likod ng mga kaganapang ito.

Tila may mga kamay na kumukumpas para diktihan ang sinasabing imaginary rice crisis.

Ang masakit,yaong pinakamahirap na sektor ng mamamayan ang nasasakripisyo para sa kapakinabangan ng mga taong ganid sa kuwarta.

Bakit pikit-matang hinahayaan na lamang ito ni PBBM at ng kanyang mga alipores?

Sa halip proteksyonan ang interes ng mas nakakarami, tila kinakatigan pa ang lilong layon na magkamal ng sandamukal na pera.

Sa pagdaraan ng mga araw,mukhang papangit ng papangit ang performance rating nitong si PBMM.

Magaling lang sa salita pero zero sa gawa.

Bigas pa lang ang isyu nyan ha,namimilipit ng iresolba ang problema.

Sus ginoo gyud!

Inutil talaga!

Sayang talaga ang boto namin kay PBBM!

Nasa huli talaga ang pagsisisi!

Bumoto ba naman tayo ng isang spoiled brat na tamad!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com