Advertisers
DAHIL sa pagiging bully ng China sa South China Sea kung saan kinamkam ang teritoryo ng karatig bansa tulad ng Filipinas at tinayuan ng base militar, nagkaisa ang mga malayang bansa na tulungan ang Filipinas upang supilin ang China.Kahapon, pormal na ibinigay ng Estados Unidos ang dalawang Cyclone-class patrol ship sa Philippine Navy. Ang dalawang Cyclone patrol ship ay ang dating USS Monsoon (PC-4) at USS Chinook (PC-9).
Ibinigay ng Estados Unidos ang dalawang patrol ship sa ilalim ng Excess Defense Article (EDA) ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng dalawang bansa. Ayon kay Navy spokesman Capt. Benjo Negranza unang ibinigay ang dalawang patrol ship noong Marso ngunit kahapon ang formal turnover. Kinumpuni ang dalawang patrol ship at nilagyan ng mga makabagong state of the art equipment upang magamit sa coastal defense ng Filipinas.
Parehong gamit ang Cyclone patrol ship sa coastal defence. May kagamitan ang warship sa pagdepensa sa baybay dagat, border control, anti-smuggling, counter-terrorism, disaster relief at iba pa. Gamit ang dalawa sa active maritime patrol ng West Philippine Sea kung saan pinasok ang China ang ating teritoryo at inangkin na pag-aari nila.
Hindi gamit ang dalawang warship sa passive monitoring system tulad ng sound-detection fixtures at land-based spotters. May mga equipment ang dalawang patrol ship upang makilala ang mga sasakyang pandagat na pumapasok sa teritoryo ng Filipinas. Bukod sa Estados Unidos, nakatakdang magbigay ng sasakyang pandagat ang Japon at Francia sa Philippine Coast Guard upang palakasin ang kakayahan ng PCG sa pagbantay sa baybay dagat.
Lumalakas ang pagnanasang pulitikal ng mga malayang bansa na panatilihin bukas ang South China Sea sa malayang paglalayag. Hindi sila naniniwala na pag-aari ng China ang South China Sea. Pinagtatawanan ang teoryang Nine Dash Line at kahit ang Ten Dash Line kung saan inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea.
***
Sa Saturday News Forum noong Sabado sa Dapo Restaurant, pormal na sinabi ni Col. Medel Aguilar, spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nahaharap sa “global isolation” ang China dahil walang naniniwala sa kanyang pagpapalaki ng teritoryo (hegemony). Nag-iisa ang China dahil wala kahit isa ang kumampi sa kanilang hegemony, aniya. Kahit may kakampi na iilan lang ang China, hindi lumantad ang mga ito sa takot na batikusin sila ng mga malayang bansa. Si Aguilar ang tagapagsalita ng AFP at lumalabas na ito ang pananaw ng institusyon mg mga unipormadong sundalo ng bansa.
Lumalabas na mataas ang moral ng ating mga sundalo upang labanan ang pananakop at China at kamkamin ang ating teritoryo. Sa gitgitan sa South China, nakahanda ang ating mga sundalo upang ipaglaban ang ating exclusive economic zone (EEZ) at kahit ang 2016 desisyon ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Law of the Seas (UNCLOS) na walang batayan sa kasaysayan at international law ang teoryang Nine Dash Line na ginagamit ng China upang bigyan ng katarungan ang kanilang pangangamkam sa EEZ ng Filipinas. Malinaw ang dating sa sambayanan ng tinuran ni Aguilar.
***
SA uri ng batikos na inabot ni Sara Duterte kaugnay sa panukalang P500 milyon na confidential fund ng OVP, mahihirapan siya na muling makabangon. Nabisto kasi si Sara na hindi alam ang trabaho niya bilang pangalawang pangulo. Mukhang nabuhay siya sa pag-aakala na gawain niya ang pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan bagaman may mga sangay ng pamahalaan na may mga ganoong gawain. Inakala ni Sara na kaparehong niyang mangmang ang maraming mamamayang Filipino na basta ipipikit ang kanilang mga mata sa kanilang kahayupan at kawalanghiyaan na basta nakawin ang salapi mula sa kaban ng bayan.
Tulad ng aming naunang sinabi, lehitimong pandarambong o pagnanakaw ang P500 milyon na confidential fund ng OVP. Dapat itong ilaan sa ibang gastos ng gobyerno tulad sa pagtatayo ng mga bagong silid-aralan at barko ng Philippine Coast Guard. Hindi dapat sansalain ng Kongreso ang ganitong nakawan sa gobyerno. Dapat iwasan nila ang pananaw na bahagi sila sa sabwatan ng lumpuhin ang bansa sa pandarambong ng kabang bayan.
***
MAHIRAP ang ginagawa ni Stella Quimbo. Pilit niya binabaluktot ang katwiran para kay Sara. Mukhang matindi ang tama sa utak ni Stella Quimbo sa uri ng kanyang lohika. May budget sa ilalim ng General Appropriations Act ng 2022, ngunit zero ang nakalahad. Kaya nilagyan lang ng laman at dahil nalagyan ng laman, walang kasalanan si Sara.
Mukhang hindi alam ni Stella Quimbo kung ano ang national budget. Minsan itinuro sa amin ni Ed Angara, dating senador, na ang pambansang budget ang kalipunan ng national policy. Kapag may budget, may policy. Nilalagyan ng gastusin ang bawat polisiya ng gobyerno Kung walang polisiya, walang budget.
Mukhang hindi alam ni Stella Quimbo na kaya zero ang nakalahad sa budgeting 2022 ay dahil hindi priority na lagyang ng confidential fund ang OVP. Sayang si Stella Quimbo.
Samantala, may sinabi ang dalawang netizen tungkol kay Stella Quimbo. Pakibasa:
“Hindi ako naniniwalang kapag graduate ka ng UP, siguradong maprinsipyo ka. Hindi rin ako naniniwalang kapag summa cum laude ka sa UP, hindi ka magbobo-bobohan. Hindi rin ako naniniwalang kapag naging propesor ka ng UP, gagamitin mo ang dunong sa kabutihan. Pruweba: Stella Quimbo.” – Miyako Izabel, netizen, kritiko
“Stella Quimbo finds herself in hot water after defending Sara Duterte’s massive OVP budget that is deemed unconstitutional. Sayang talaga itong si Stella Quimbo. She’s killing her political career by associating herself with criminals or is it the other way around in today’s era?” – Netizen Sham Rocker
***
MGA PILING SALITA: “Lawmakers are essentially useless. Congress is not even a debating club. Most lawmakers have no ideas to debate. They have no ornamental value either. They can’t be for decoration. They serve no function. Just useless.” – PL, netizen. Kritiko
“[Physicist] Neil deGrasse Tyson was asked: ‘What extinct animal would you like to see genetically resurrected?’ My answer: Honest politicians.” – Pl, netizen
“Besides, the clearest and strongest reason why there was no item for Confidential or Intelligence Expenses in the 2022 OVP budget is: Then VP Leni Robredo did not ask for one. Walang hiningi, walang ibinigay. Her entire term.” – Barry Gutierrez, netizen, dating spokesman ng OVP sa ilalim ni Leni Robredo
“China is turning the world upside down. First, China has given us Red Capitalism, which is characterized by those ultra huge state enterprises that exert enormous influence on the global econmy. Now, China is giving us a new information superstructure, which should be aptly called Red Journalism. It negates media’s traditional role as watchdog.” – PL, netizen