Advertisers

Advertisers

‘MALDITANG PHIL AMBASSADOR SA BRAZIL DAPAT PANAGUTIN’

Hirit ng mga senador at Migrante:

0 245

Advertisers

NAIS ng mga senador at migrant group na mapanagot ang Philippine ambassador sa Brazil na nahuli sa CCTV na paulit-ulit na minamaltrato ang kanyang Pinay na kasambahay sa mismong diplomatic residence.
Ayon kina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Joel Villanueva, dapat isagawa agad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang imbestigasyon laban kay Ambassador Marichu Mauro, na pinauuwi na para magpaliwanag.
Para sa grupong Migrante, dapat makulong si Mauro at hindi na payagang makapagsilbi sa pamahalaan o makatanggap ng retirement at iba pang benefits.
Panawagan din ng grupo na tiyaking matutulungan ang biktima at kanyang pamilya.
Dapat din anilang pangalagaan ang mental health nito dahil sa sinapit na pang-aabuso.
Sinabi naman ng DFA na inalalayan nila ang 51- anyos na biktima, na nakabalik na sa Pilipinas noong Oktubre 21.