Advertisers
NAKAPAGTALA ng 2,053 bagong mga kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules, Oktubre 28.
Nasa 540 naman ang bagong gumaling habang 61 naman ang namatay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 10.4% (38,955) ang aktibong kaso, 87.7% (329,111) na ang gumaling, at 1.90% (7,114) ang namatay.
Batay naman sa datos ngayong araw ayon sa report noong October 27, nasa 1,673 ang nagpositibo mula sa nagpa-test na 24,970.
Kabilang naman sa mga probinsya at syudad na nakapagtala ng maraming kaso ang Caloocan na may 108.
Umabot naman sa 103 sa Quezon City, 97 sa Negros Occidental, 93 sa Benguet at 85 sa Rizal. Halos 94.1% ang mild at asymptomatic na kaso.
Ayon sa DOH, mula sa step by step na reporting flow, maari nang sabay-sabay ang pag-iinput ng Covid-19 data sa tulong ng Covid-Kaya System kung saan napapanahon, organisado at wasto ang Covid-19 health information. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)