Advertisers

Advertisers

DOJ Chief Guevarra tinukoy ang ilang ahensyang iimbestigahan sa korapsyon

0 198

Advertisers

ISINAPUBLIKO ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang ilang ahensya na posibleng unahin nilang imbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na magkasa ng malawakang imbestigasyon sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Guevarra, bagama’t marami na silang natanggap na sumbong, mas uunahin pa rin ang mga isyung may available nang ebidensya.
Kabilang na rito ang PhilHealth, Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC) at Land Registration Authority.
Una rito, aminado naman si Guevarra sa bigat ng tungkulin na ipinataw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kagawaran. (Josephine Patricio)