Advertisers

Advertisers

Yasmien mas nakilala ang anak sa panahon ng pandemya

0 294

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISANG throwback video ng kanilang mother-daughter bonding ang ibinahagi ni Kapuso actress Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram na tumutugtog sila ng kanyang anak na si Ayesha ng piano.

Sa caption ng video, ikinuwento ni Yasmien na mas nakilala niya ang anak sa gitna ng pandemya.



Aniya, “Ang dami kong na discover sa baby ko ngayong #StayAtHome, mas nakakapag-bond kami, nanonood ng movies together, ‘yung tipong naubos na namin yung mga palabas for kids sa #netflix, kaya naman gumagawa kami ng mga fun activities dito sa bahay…”

“Pero since last year pa naman bago pa mag pandemic, nahilig na talaga si AZ mag piano kaya naman pina-piano lesson namin siya kay Teacher Joanne last year ng mga April. Tapos ngayon, Voila! nakakatuwa! ang galing na niya … pagaling siya ng pagaling mag piano everyday…,” dagdag pa niya.

“Pati ako tinuturuan niya pero di ko parin ma-gets haha! siguro dahil iba talaga kapag bata ka pa nag start mag-aral ng piano. Sharing this video sa inyo… #throwback video, early this year noong kaka #lockdown palang sa Metro Manila #mylittlepianist #FurElise #icanthelpfallinginlovewithyou,” lahad pa ng Kapuso actress.

Samantala, kabilang na rin si Yasmien sa listahan ng TikTok millionaires dahil mayroon na siyang one million followers sa kanyang official account.

***



Khalil Ramos hinarana ang fans

Sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan event, pinagbigyan ng bagong Kapuso actor na si Khalil Ramos ang request ng kanyang fans na isang live song cover ng Rivermaya ballad na “214.”

Ibinahagi rin niya kung paano siya nahilig sa pagkanta sa tulong ni Jay Glorioso ng UP Diliman College of Music. “Actually, bata pa ako nun, I think mga 11 [or] 12 years old. Dun ako nagsimulang magkaroon ng proper training sa pagkanta. Si Jay, actually, ay using theater actor. So, napapanood po siya sa mga musical Broadway shows, sa mga theater shows dito sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko dahil siya ang nakapagturo sa akin kung paano ko maabot ‘yong potensyal ko bilang isang mang-aawit.”

Kasalukuyang napapanood si Khalil sa weekend variety show ng GMA na “All-Out Sundays” tuwing Linggo, 12PM.

***

Mark Bautista ibibida ang new hobby sa ‘Mars Pa More’

Isa sa pinagkakaabalahan ni ‘All-Out Sundays’ star Mark Bautista ngayong quarantine ang paggawa ng kandila at ibibida niya ito ngayong Martes (Oktubre 27) sa Mars Pa More.

Sa isang previous interview ay sinabi ni Mark na isa raw ang candle making sa kanyang bagong hobby ngayong quarantine, “Kumota na nga ako sa ‘time for myself’ e. Umabot na ako sa pag-painting, pag-bake, lahat ng workouts ata sa YouTube nagawa ko na. Kaya ito nahiligan ko naman ang candle making.”

Natutunan din daw ni Mark ang kahalagahan ng paghahanap ng pagkakaabalahan sa gitna ng pandemya.

Aniya, “Maganda rin pala na marami kang gustong gawin sa buhay, pag-aralan. ‘Di ba sabi nila ‘do one thing and be good at it’ but I think na-realize ko ngayong quarantine na dapat pala marami ka ring matutunan. Para kung dumating ang ganitong panahon, ready ka kung halimbawa gusto mo magtinda ng pagkain or what. Like ako hindi ko alam na pwede ko pala mabenta ‘yung paintings ko.”

Tutukan ang isa na namang masayang chikahan kasama ang hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa fresh episode ng ‘Mars Pa More’, 8:45AM, sa Kapuso Network!