Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
PINAGDIINAN ni Heart Evangelista na walang niretoke sa kanya at sinabi pa, “Made by God” ang kanyang face.
Sinagot kasi ni Heart ang tanong ng netizen sa kanyang Instagram kung nagpa-plastic surgery na ba siya.
“Never done anything to my face. My eyes and nose, etc. were made by God. I swear,” aniya.
Sabi pa ni Heart, hindi siya against sa plastic surgery. Ang hindi lang niya ma-take ay pinag-iisipan siyang sinungaling kapag sinasabing hindi siya nagparetoke.
“I have nothing against it, in fact am for it if ikagaganda mo. I just hate the idea that some people think I`m lying,” patuloy pa ni Heart.
May tila naiinggit na netizen dahil marami siyang sponsor ng make-up. Comment nito, “you`re so lucky u have many sponsors of make-ups hays so sad.”
Sinagot naman ito ni Heart ng, “I`ve been working for 24 years, madami na akong pinagdaanan na hirap….that`s why I`m also grateful that I get a lot of gifts – wasn’t easy to get there. Your time will come.”
***
HANGGANG ngayon ay hirap pa rin daw mag-adjust si Jaclyn Jose sa new normal dahil nandoon pa rin ang takot niyang lumabas ng kanilang bahay.
Dahil sa Covid-19 pandemic ay hindi niya tuloy mabisita ang anak na si Andi Eigenmann at mga apo na sina Ellie at Lilo na kasalukuyang nakatira sa Mandaluyong.
“Ang hirap tanggapin at first nung new normal. Actually, hanggang ngayon hindi ko siya matanggap, eh. When you`re not young anymore, you`re looking for your life na kinalakihan, so I think I`m not young anymore to adjust easily. It`s so hard for me.
“Sobrang ingat, hindi lumalabas. Kahit pagpunta sa mga apo hindi ko ginagawa. Kahit sa market, grocery, everything lahat delivery. But we all have to work, we all have to accept this.”
Bilang nanay at lola ay hindi maalis na mag-alala siya sa anak na si Andi na buntis ngayon at dalawang apo na sana hindi magkasakit.
Nagawa na rin ni Jaclyn magpa-swab test para sa pelikulang pagsasamahan nila nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis-Smith. Yun na raw ang una at huli na magpapa-swab test siya.
“Actually, noon pa sinabi ko na before I start, once naka-swab na, I can`t go out anymore. That`s what I did before, eh, with the movie I did, eh. After swabbing hindi na ako lumalabas, hindi na ako nagpapapasok. Actually, ganun naman ang ginagawa ko but ngayon mas maingat,” pahayag ni Jaclyn.
Pero kahit takot ay wala siyang choice kundi harapin ito para hindi siya mawalan ng trabaho.