Advertisers
Ni BKC
MAY sweet anniversary surprise na natanggap ang Kapuso actress at soon-to-be mommy na si Sheena Halili mula sa asawang si Jeron Manzanero.
Ibinahagi niya ito sa kanyang latest vlog na “Our 3rd Anniversary.” Akala ni Sheena ay simpleng celebration lang ang pagsasaluhan nila, pero sa dulo ng video ay napaiyak na lang si Sheena sa regalong ibinigay ni Jeron na picture frame na kasama ang sonogram ng baby nila.
Panoorin ang full video sa YouTube channel ni Sheena.
***
‘Super Twins’ muling mapapanood sa Heart of Asia
Natatandaan n’yo pa ba sina Sha-sha at Tintin? Para sa lahat ng mga naka-miss sa well-loved drama fantasy series na “Super Twins,” malapit na itong muling mapanood sa digital channel ng GMA, ang Heart of Asia.
Ibinalita ito ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa kanyang Facebook page. Nagpost din si Jennylyn ng ilang throwback photos kasama si Nadine Samonte na suot ang kanilang costumes. “Surprise! Guess what mga Kapuso… magbabalik ang #SuperTwins sa GMA Heart of Asia. Abangan niyo po!” aniya sa caption.
Abangan ang pagbabalik ng Super Twins sa Heart of Asia na mapapanood sa GMA Affordabox at iba pang digital TV boxes.
***
Gabbi Garcia may bagong show sa GMA News TV
Tiyak na maraming millennials at Gen Z ang makaka-relate sa bagong show ni Global Endorser Gabbi Garcia na “In Real Life (IRL)” na mapapanuod very soon sa GMA News TV.
Isang youth-oriented reality program ang IRL na ihahatid ni Gabbi ang latest updates sa iba’t ibang trending topics na ika nga ay “lit” o “exciting” para sa mga kabataan lalo na ngayong digital age.
Bagay kay Gabbi ang IRL dahil bukod sa husay niya sa hosting, isa siya sa mga artista ngayon na malakas ang online presence. Kaya naman siguradong nakaabang na ang fans ni Gabbi sa “In Real Life (IRL)” na malapit nang mapanood sa GMA News TV.