Advertisers

Advertisers

Grade 8 student ni-rape at pinatay sa Isabela

0 417

Advertisers

HINIHINALANG ginahasa muna ang natagpuang bangkay ng dalagita sa isang kanal malapit sa kanilang bahay sa Barangay Bella Luz, San Mateo, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Princess Diane Corpuz, 13, grade 8 student, residente ng naturang barangay.
Sa pahayag ng kuya ng biktima na si Michael Corpuz, nasa hustong gulang, dakong hapon nitong Lunes dinala niya ang kanyang asawa sa ospital at naiwan si Princess na nag-iisa na noo’y abala sa pagsagot sa kanyang learning modules.
Gabi na nang makauwi si Michael mula sa ospital, pero hindi nila nadatnan ang kanyang kapatid sa bahay. Hinanap nila si Princess ngunit hindi na nila nakita.
Kinaumagahan nang ipagbigay alam sa kanila na natagpuang walang buhay ang kanyang kapatid sa irtigation canal, 300 metro ang layo mula sa kanilng bahay.
Nang iahon ang biktima mula sa irigasyon, walang nakitang anumang sugat sa kanyang katawan. Pero napansin ng pulisya na wala nang panloob na kasuotan at nakababa rin ang short pants ng biktima, hinihinala na ginahasa ito.
Nagsagawa na ang Scene of the Crime Operative (SOCO) ng masusing pagsisiyasat upang matukoy ang sanhi ng kamatayan ng dalagita at kung ginahasa nga ito.