Advertisers

Advertisers

Medical City Imus, mahilig mang-hostage ng mga pasyenteng ‘di nakakabayad!

0 370

Advertisers

Ang buong akala natin ay di na uso ang pangho-hostage ng mga pasyente na kinakapos ng pambayad sa ating mga pribadong ospital ngayong administrasyong Duterte.

Pero hindi pala, gaya ng kaso ng isang ama na si Charles na na-confine ang kanyang mahal na anak sa MEDICAL CITY IMUS ng labing-apat (14) na araw dahil sa isang malubhang sakit.

Nakapag-antisipo o downpayment naman ang pobreng ama para tanggapin ng MCI ang kanyang maysakit na anak considering na may pandemya pa.



Ang siste, nagulat na lamang ang pobreng tatay nang makita ang napakalaking bill nila sa ospital gaya ng mga gamot na hindi naman nila nagamit dahil sa lahat naman ng medisinang para inumin ng anak na maysakit ay binili nito sa botika sa labas ng ospital

Ika nga, mukhang pati ang bayarin sa nasabing bugok na ospital ay “dinoktor” na rin.

Hindi birong trauma hindi lamang sa mga pasyente kundi sa kanilang mga mahal sa buhay ang ganitong karanasan lalo na nga’t may pandemic pa tayong nararanasan.

Ang pinaka-matindi nito ay nang ayaw palabasin ng MCI ang pasyente nang ito ay gusto ng umuwi ng kanilang tahanan.

Ang rason daw ay upang maobliga at pagsikapan ng mga kaanak ng pasyente na makapag-produce ng pera para mabayarang buo ang kanilang hospital bills.



Maliwanag pa sa sikat ng araw na pangho-hostage ito at malinaw na ‘coercion’ na labag sa batas.

Willing naman magbigay ng ‘promisory note’ at ikolateral ang motorsiklo ultimo ang titulo ng kanilang bahay ng kaawa-awang ama upang maiuwi na nito ang anak ngunit sapilitan pa rin silang pinigil ng mga staff ng Medical City Imus.

Makalipas ang dalawang araw ay saka pa lamang pinayagan ng MCI na makauwi ang kaawa-awang pasyente makaraang sabihin ng ama ng biktima na “lalabas at lalabas kami sa ayaw at sa gusto nyo kahit tumawag pa kayo ng pulis” at lalapit na sila sa media sa ginagawang pangho-hostage sa kanila ng nasabing pagamutan.

Wala nang planong magreklamo pa ang mag-ama ngunit nais na lamang nitong ibahagi sa madla ang pangit na karanasang kanilang inabot sa MCI at bigyang babala ang publiko sa mga ganitong garapal at magaspang na diskarte ng nasabing ospital.

Wala nang bibigat pang kasalanan kung nakita mo na ngang nagigipit na ang isang tao ng dahil sa karamdaman at mas lalo mo pang gigipitin ng dahil lamang sa pera.

In this case, sa kanilang hospital bills!

So sa mga kababayan natin partikular na sa lalawigan ng Cavite, dito nga sa Imus, beware of Medical City Imus, wala pong puso at kaluluwa ang mga tao d’yan!

Marami pa naman pong matitinong ospital kayong mapupuntahan para magpagamot!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com