Advertisers
First of all, the discussion of ethics as related to law enforcement must begin with the definition of the word integrity. — Anonymous
PASAKALYE
Text Message . . .
Sir Tracy, maraming salamat po sa paglathala ninyo ng mga text ko. Araw-araw hindi po ako nagsasawa ng pagbabasa ng mga kolum sa Police Files Tonite. Kasiyahan ko po ito at nalilibang ako, lalo na ngayong panahon ng paghihirap at kalungkutan. Mabuhay po kayo, Sir Tracy. God bless po. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, October 22, 2020)
Text Message . . .
Mga nakaka-utot na balita . . . PNP CHEAP ipinagbawal na rin ang Christmas party pero mga police personnel may ‘cash gifts’. E ang mga ayuda sa mahihirap meron pa ba? Balik-operasyon na ang mga hotel. Kasama ba ang motel? Kapag pinayagan ‘yan, mag-check in na naman mga magkalaguyo at mag-BF. Baka lumalala naman ang covid. Bayanihan 2 funds huwag i-delay, ipamahagi na—BONG Ga-GO! Ipamahagi kanino? Sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno? Ano ang nangyari sa pinangako ng (kanyang) amo na walang magugutom at lahat tatanggap ng ayuda at pera. Puro lang kayo dakdak! PIN! Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, October 22, 2020)
* * *
Ang motto ng ating pambansang pulisya ay “To Serve and Protect” — na siyang tunay na ginagawa ng hanay ng ating unipormadong pulis.
Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang ginagawa ng ating mga pulis. Mayroon ding ang motto ay “to serve and protect” pero hindi para sa sambayanan kundi para sa sariling interes at personal na pangangailangan.
Halimbawa na ang hepe ng NCRPO na sa halip sundin at ipatupad ang itinakdang protocol ng kuwarantina ay siya pa mismo ang lumabag nito. Makapal na ang mukha ay malaki pa ang tiyan!
Dangan nga lang ay hindi puwedeng galawin ang magiting na heneral dahil protektado siya ng kanyang among may problema sa utak.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!