Advertisers

Advertisers

Maraming drug syndicate malalansag na ng PDEA!

0 337

Advertisers

Higit na positibo ngayon ang pananaw ng mga bumubuo ng PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) sa pamumuno ni DIRECTOR GENERAL WILKINS VILLANUEVA na mas maraming mga DRUG SYNDICATE ang kanilang malalansag bago pa man maipuslit sa mga pantalan o sea ports ang mga illegal drug dahil sa makabagong DRUG DETECTION EQUIPMENT na idinunasyon ng UNITED STATES DRUG ENFORCEMENT ADMINISTRATION (USDEA).

Ang mga drug detection equipment na tinanggap ng PDEA ay (3) RIGAKU HANDHELD DRUG ANALYZERS; (2) N2200 HANDHELD NARCOTICS DETECTORS; (2) VIKEN HBI-120 HANDHELD XRAY IMAGERS; (1) B&W TEK TACTIC ID-1064 HANDHELD RAMAN SPECTROMETER at (1) HEURESIS HANDHELD X-RAY UNIT.

“PDEA is very grateful to our counterpart, the USDEA, for their continued support to our campaign against illegal drugs, particularly in training and capability building. These equipment will surely enhance the investigation capabilities of our airport interdiction task force,” pahayag ni PDEA CHIEF VILLANUEVA.



Isang simpleng seremonya ang isinagawa kahapon sa naturang pagbibigay donasyon ng USDEA para sa pagharang ng mga illegal drugs sa mga pantalan at paliparan; kung saan, ang seremonya ay dinaluhan nina USDEA COUNTRY ATTACHE MR. CHRISTOPHER ADDUCI; USDEA ASSISTANT COUNTRY ATTACHE MR. ADAM NOBBLEY; USDEA ASST. ATTACHE MR. LAURENCE MADARIAGA; MARITIME OPERATIONS COORDINATOR, INL MR. MARK EVERSON; DRUG DEMAND REDUCTION MANAGER, INL MS. JONALYN SANTOS; US DEPARTMENT OF STATE POLITICAL COUNSELOR MR. BRETT BLACKSHAW.

Iba’t ibang sopistikadong kagamitan para sa pagdiskubre at pagtunton ng mga illegal drugs.., pero, nagtataka pa rin ako dahil maliit pa lamang ako ay isa sa pangunahing kampanya ng gobyerno ang paglansag sa mga DRUG SYNDICATE.., e mabibilang lang sa daliri ang nasakoteng BIG TIME PERSONALITIES.., hindi pa ba alam ng mga operatiba ang mga BIG TIME DRUG OPERATOR?

Saang pantalan naipuslit ang illegal drugs at sino-sino ang mga kakutsaba sa pantalan ng drug syndicate? Alangan ba namang BOPOL ang mgaANTI-ILLEGAL DRUG ENFORCERS natin na hindi palalawakin at palalalimin ang kanilang pagsisiyasat.., na nakalulusot ang illegal drugs sa pantalan o paliparan na walang kakutsaba! Ika nga, kung sinsero at hindi tumatanggap ng suhol ang sinumang enforcer e nakatitiyak akong wala nang makakapuslit pang illegal drugs papasok sa ating bansa.

HINDI PA SATISFIED ANG ARYA sa PERFORMANCE ng ating LAW ENFORCERS.., dahil hayagan kong sasabihin na marami pa ring mga GOVERNMENT OFFICIAL ang nagsisilbing PROTECTOR ng DRUG SYNDICATE.., ang paninindigan ng ARYA ay “HINDI MAKAKAPAMAYAGPAG ANG MGA DRUG SYNDICATE KUNG WALANG KAKUTSABANG MGA GOVERNMENT O LAW ENFORCERS”…, ika nga, ang mga sibilyan o negosyante ay hindi makapaglalakas ng loob na lumarga sa ILLEGAL DRUG BUSINESS kung walang masasandalan itong PROTEKSIYON mula sa GOVERNMENT OFFICIALS o LAW ENFORCERS.

ANG HAMON NG ARYA SA PDEA.., dapat maraming mga “ANAY” o GOVERNMENT OFFICIALS/LAW ENFORCERS na nagsisilbing OPERATOR o PROTECTOR ng DRUG SYNDICATES ang masakote ngayong mga darating na araw.., dahil kung hindi ito maisasagawa ay “SARSWELANG KOMEDYA” lang ang mga operasyon o masabi lang sa publiko na may ginagawa o tinatrabaho ang mga operatiba!



Sa ilang mga seminar na nadaluhan ng ARYA ay masasabi ko na mali ang litanya ng mga LECTURER na sugpuin ang mga galamay o mga pusher sa pakikipagtulungan ng mamamayan para matigil ang pagpapakalat ng illegal drugs.., e pag nahuli ang mga pusher e marami pa ring makukuhang pusher ang DRUG SYNDICATES.., kaya ang dapat paspasan ng mga operatiba ay pag-alam sa mga DRUG SYNDICATE BIG BOSS.., na ang mga ito ang agarang targetin ITOKBANG para siguradong buwag ang sindikato kasama ng kanilang mga nagsisilbing PROTECTOR!

IUKIT SA KAISIPAN NG MGA LAW ENFORCERS na panahon naman ngayon ng pagbabagong serbisyo.., MAKUNTENTO SA KASALUKUYANG SUWELDO at kung hinde makuntento e MAGBITAW NA LANG SILA SA SERBISYO!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.