Advertisers
IPINAHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno na ang Sta. Ana Hospital ay mayroon na ngayong fully-renovated at fully-airconditioned intensive care unit (ICU) kung saan maaaring i-accommodate ang mga COVID-19 patients na kritikal ang kondisyon.
Sa Sta. Ana Hospital, na pinamumunuan ng direktor nito na si Dr. Grace Padilla, matatagpuan ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC), gayundin ang may dalawang COVID-19 laboratories ng lungsod.
Ayon kay Padilla, dahil sa full support ni Moreno sa pagkakaloob sa lahat ng city-run hospitals ng mga makabagong pasilidad at mga kagamitan, ang bagong ICU sa Sta. Ana Hospital ay muling nagbukas ng may six-bed capacity at mga modern equipments gaya ng defibrillators, infusion pumps, cardiac monitors, mechanical ventilators, high flow O2, closed circuit suction machines at ECG machines, at iba pa.
Ang Critical Care Unit ay pinamumunuan ni Dr Paul Lucas (cardiologist); COVID- 19 team leader Dr. Philip Estinar at mayroon ring competent at respected subspecialists, kabilang ang infectious disease specialist na si Dr. Nerissa Sescon; cardiologist na si Dr. Isagani Gulinao; pulmologist na si Dr. James Albert Flores; astroenterologist na si Dr. Raquel Adaza at nephrologist na si Dr. Eric Hughes Santiago.
Ipinagmamalaki naman ng alkalde na ang nangangasiwa sa pagamutan ay pawang compassionate at highly competent, katunayan aniya dito ang high recovery rate sa pagamutan.
”We thank all the doctors, nurses and medical frontliners of the said hospital for their continued compassionate efforts in saving precious lives and keeping the populace safe and healthy,” ayon kay Moreno.
Partikular na pinagsisilbihan ng Sta. Ana Hospital ang mga residente sa ikaanim na distrito ng lungsod, ngunit tumatanggap din naman ng COVID-19 cases sa labas ng distrito. (ANDI GARCIA)