PH AMBASSADOR SA BRAZIL MALDITA!
Nakunan ng video na binubugbog, pinipingot ang tainga at hinahampas ng payong ang kasambahay na Pinay sa loob mismo ng diplomatic house
Advertisers
IPINAG-UTOS ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang recall sa ambassador ng Pilipinas sa Brazil na si Marichu Mauro matapos lumabas ang video ng paulit-ulit na pananakit sa kaniyang household staff sa loob mismo ng diplomatic residence.
Sa pahayag ng DFA, inatasan si Mauro na agad umuwi ng bansa.
Nakauwi naman na ng bansa noong Oktubre 21 ang 51-anyos na kasambahay ni Mauro na isang Pinay.
Tiniyak ng DFA na tinutulungan at kinakalinga ang nasabing kasambahay.
Sa ulat ng Brazilian news channel na GloboNews, inilabas nito ang video na kuha ng security camera ng paulit-ulit na pananakit ni Mauro sa kasambahay.
Makikita sa kuha ng security camera ang pananampal at iba pang pananakit ni Mauro sa kasambahay. Naroon ang hilahin niya ang tainga at paluin ng payong ang kanyang kasambahay.
Siniguro ng DFA na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa insidente.