Advertisers

Advertisers

P42m marjiuana sinira at sinunog ng mga otoridad sa Kalinga

0 271

Advertisers

BINUNOT at sinunog ng mga awtoridad ang P42 million halaga ng mga puno ng marijuana sa tatlong araw na operasyon ng mga ito sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga mula Hulyo 28 hanggang 30.
Nadiskubre rin ng operatiba ang 8,000 square meters na plantasyon ng 210,000 puno ng marijuana.
Naisagawa ang nasabing operasyon sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng PDEA-Cordillera at pulisya sa Kalinga.
Ayon sa report, nakatanggap ng tips ang mga otoridad mula sa mga residente hinggil sa nakita nilang plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar.
Agad sumugod ang mga awtoridad at sinunog ang mga nabunot nilang marijuana sa nasabing lugar.
Gayunman walang nahuling indibidual sa operasyon ng mga otoridad.(PTF team)