Advertisers
NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitiwala kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at nilinis ang pangalan nito sa mga alegasyon ng katiwalian.
Magugunitang inakusahan ng isang whistleblower si Duque na “godfather” ng PhilHealth mafia kung saan sinasabing ilang opisyal ng ahensya ang nagbulsa ng P15-bilyong pondo.
Gayunman, pinanindigan ni Pangulong Duterte na walang ninanakaw na pera ang kalihim.
Si Duque, walang nanakaw kung pera ang pag-usapan. Maybe some other things, there might be some other thing pero corruption, pera? Wala,” ani Duterte. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)