Advertisers
IDINEPENSA ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang naging pahayag ni Pope Francis sa pagpayag nito sa pagsasama ng parehas na kasarian o same sex union.
Ayon kay acting CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, na nais lamang niyang pahalagahan ang ibang kasarian.
Subalit hindi nangangahulugan na papayagan na ng simbahan ang same sex marriage.
Nais lamang na ipaalala ng Santo Papa ang kahalagahan ng buhay ng mga same sex couples.