Advertisers
NATIMBOG ang tatlong drug pushers ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Taguig City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jaynard dela Rosa-Pamittan, John Jever Gujilde at Nathaniel Manalo- Cabudlay.
Ayon kay PDEA Dir Gen Wilkins Villanueva, 6:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ang pinagsanib na elemento ng PDEA Regional Office – National Capital Region, RSET 1 at 2, PDEA Regional Office IV- Cavite Provincial Office, ISAFP, at Taguig City Police Station sa Market Market open parking saTaguig City.
Nasamsam sa mga tulak ang 3 kilos ng shabu, na nagkakahalaga ng P20.4 million.
(Mark Obleada)