Advertisers
PINAGTBAY ng Korte Suprema ang hatol na pagkakakulong laban sa taksil na mister na sumama sa kanyang kabit at iniwan ang tunay niyang misis.
Sa desisyon ng Supreme Court first division, pinagtibay nito ang desisyon ng Court of Appeals laban sa babaerong si Jaime Araza.
Sinabi ng SC na guilty si Araza sa kasong paglabag sa Section 5(i) ng Republic Act 9262, Anti-Violence Against Women and Their Children, at hinatulan itong makulong ng 6a buwan hanggang 8 taon.
Sinabi ng SC na tama ang Court of Appeals nang sabihin nitong nakaranas ang misis ng ‘emotional anguish’ at ‘mental suffering’ nang iwan siya ng kaniyang mister.
Inatasan din si Araza na magbayad ng P100,000 bilang multa at P25,000 bilang moral damages.
Inatasan din ng SC ang mister na sumailalim sa mandatory psychological counselling o psychiatric treatment at iulat sa SC ang pagsunod niya dito sa loob ng 15 araw matapos makumpleto ang counselling.
Batay sa rekord ng karte, taon 2007 inireklamo sa Las Pinas RTC si Araza ng kaniyang legal wife ng ‘psychological violence’ matapos magtaksil, sumama sa ibang babae.
Unang sinubukan ng misis na ireklamo ng ‘concubinage’ ang mister pero hindi ito umusad at nauwi sa settlement.
Sa kabila ng pagkakaroon ng settlement, nagpatuloy sa pakikisama ang mister sa kaniyang kalaguyo, kaya naghain ang misis ng kasong paglabag sa Anti VAWC law.