Advertisers

Advertisers

Tirador ng mga motorsiklo sa Laguna timbog

0 246

Advertisers

LAGUNA – Makaraan ang mahigit dalawang taon na pagtatago sa batas, bumagsak din sa kamay ng batas ang isang binata na tirador ng mga motorsiklo sa Barangay 148, Pasay City.
Sa ulat ni Laguna PHPT Chief, PCapt. Charlie Reyes, kay Calabarzon Highway Patrol Group (HPG4A) Regional Director PCol. Samson Belmonte, nakilala ang nadakip na si Vince Gotis Macam, top 4 most wanted person, tubong Poblacion 2, Calamba, City at pansamantalang naninirahan sa Pasay City.
Naaresto ang suspek 3:15 Lunes ng hapon sa bisa ng dalawang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Calamba RTC Br 105 Presiding Judge Hon. Arturo V. Noblejas at RTC Br 36 Presiding Judge Hon. Glenda Mendoza Ramos dahil sa kinasasangkutan nitong kaso ng Carnapping na may inilaang piyansa na P300 ,000 bawa’t isa.
Modus ng suspek ang hihiramin nito ang motorsiklo ng mga kaibigan at ibebenta sa halagang P10,000 at magtatago na.
Sa talaan ng pulisya, naganap ang magkasunod na kaso sa lungsod ng Calamba taon 2018 at nagtago ito sa Baliuag, Bulacan at sa La Loma, Quezon City matapos nitong maibenta ang dalawang motorsiklo.
Sa pamamagitan ng isinagawang ‘Surveillance and Operation Manhunt Charlie’ ni Reyes, agarang natunton ng mga ito ang pinagtataguang safehouse ng suspek sa Pasay, City. (Dick Garay)