Advertisers
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 25 mangingisda na sakay ng isang motorbanca na nagkaaberya dahil narin sa malakas na hampas ng alon at hangin sa Laoang, Northern Samar.
Ayon sa PCG, October 23 nang pumalaot ang mga mangingisda sakay ng motorbanca na Ethan Matthew ngunit inabutan ng masungit na panahon sa karagatan kaya tinangay sila ng malalaking alon.
Ayon sa boat captain na si Leborio Bombales, nang tangayin na ng alon sa Batag Island ay nagawa nila i-manuever ang motorbanca at nakatawag pa sa may-ari na si Alexis Moncada na siya namang nag-report ng insidente sa kinauukulan.
Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG at ligtas na nasagip ang mga mangingisda at itinurn- over sa LGUs ng Laoang. (Jocelyn Domenden)