Advertisers
INANOD na sa karagatan ang nasa 10-porsyento ng dolomite sand sa Manila Bay bunga ng tuluy-tuloy na pag-uulan.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, natabunan na ang artificial white sand ng mga itim na buhangin.
Dagdag pa ni Leones, naglagay sila ng dolomite sand sa tubig upang imbes na regular black sand, ang artificial white sand ang aanurin sa beach.
“Nakikita natin ‘yong magiging problema. Puwede laging mag-adjust. So later on, lalagyan parin namin ng dolomite ‘yon pati sa tubig na para at least kapag lumakas ‘yong wave, hindi na black sand ang dadalhin ng tubig, white sand na,” sabi ni Leones.
Bahagi ang pagtatambak ng dolomite sand sa Baywalk ng rehabilitation program ng Manila Bay.