Advertisers

Advertisers

BONG AT ROBIN SANIB-PWERSA SA PELIKULA

0 128

Advertisers

Ni BETH GELENA

SA Facebook account ni Senador Robin Padilla ay may post siyang gagawa sila ng movie ni Sen. Bong Revilla.
May binahagi siyang lumang larawan ni Bong kung saan naka-motorcycle ang pulitikong aktor.
Nilagyan ito ni Binoe ng caption na, “Pagkalipas ng 35 taon. Abangan po ninyo ang muling pagbubuklod namin ni Alyas Pogi (Bong).”
Ni-repost ni Bong sa kanyang FB ang post ni Robin.
Reunion movie nila ito dahil nagkasama na ang dalawang action star sa ilang pelikula noon.
***
NADINE RUMESBAK SA NETIZEN NANG PAKIALAMAN ANG LOVELIFE
BINUWELTAHAN ni Nadine Lustre ang komento ng netizen tungkol sa kanyang boyfriend na si Christophe Bariou
Ini-imply ng netizen na nagwo-worry daw siya sa aktres dahil baka maulit ang nangyari noon sa kanya tulad ng sa kanila ni James Reid.
Sey ng netizen: @nadine sana nads di siya kagaya kay james na manloloko ayaw naming makitang niloloko ka at sinasaktan. Same before na lagi mo pinagtatanggol pero niloloko ka pa rin we just hope yung concern ng siaoganhon na nakakita
kay @cbariou at marylou ang mali. Malayo ka nads yung taga siargao ang laging nakakakita kung sino palagi kinakasamang babae ni chris sa siao, so sana wag masyadong magtiwala kay @cbariou pinagdaanan mo nayan we hope you learn the lesson CONCERN KAMI SA IYO”
Hindi nagustuhan ng actress ang komento ng concerned netizen kaya sinagot niya ito.
“@siilechim how rude and offensive.
lagi ko ding kasama yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean Im cheating. Di ba siya pwedeng magka friends na girls?
Di ko kaya yung backwards mentality mo teh. It’s giving pre pandemic”
***
ANGELINE PROUD SA MGA KANTA NI YENG
PINASALAMATAN ni Angeline Quinto si Yeng Constantino.
Sa kanyang Instagram, sinabi ng singer kung gaano niya kamahal ang kapwa singer.
Pinasalamatan niya ito sa mga kantang kinompos ni Yeng para sa kanya.
Naalala pa ni Angge ang sinabi ni Yeng sa kanya na may sinulat pa siyang kanta at gusto nitong si Angge ang kumanta.
Aniya; “Isa sa mga taong mahal ko @yeng Salamat sa mga awitin mo Yenggay. Naalala ko pa nung unang beses mu sinabi sa akin na may nasulat kang Kanta na gusto mong kantahin ko, 7yrs ago nung nirecord ko ang song na AT ANG HIRAP. ?? I love you very much Yenggay ”
Para naman kay Yeng, honor sa kanya na ang kanta niya ay mapasama sa album ni Angge.
“Angge karangalan ang mapasama sa album mo ang kanta ko. Salamat ha! Love youuuu!”
Samantala, kamakailan lang ay nagkaroon ng concert si Angeline sa Klownz, Quezon Ave.
Produced ito ng aming colleagues na sina Ms F PMPC president Fernan de Guzman), Joey Austria at Boy Romero.